dismaya
AKO'Y MALUNGKOT
katahimika'y bumabalot
PAG-IISA'Y NADUDULOT
sa sarili'y napopoot
AKO'Y NAG-IISIP
sa mga bagay naiinip
BUKAS AY SINISILIP
hindi tuloy maidlip
AKO'Y TULALA
tumitingin sa wala
NAGHIHINTAY NG HIMALA
humihiling sa mga tala
AKO'Y NADISMAYA
sa mga pangyayaring 'di masaya
SA MGA ORAS NA NAAKSAYA
sa mga bagay na 'di magkasya
AKO'Y NANGANGARAP
sarili'y hinahanap
LAHAT NAIS MALASAP
sa malayong hinaharap
AKO'Y NALILITO
sa mundo'y nahihilo
SA SARILI'Y NAGUGULO
gusto ko ng umalis dito
0 Comments:
Post a Comment
<< Home