Tuesday, January 25, 2005

poot

bakit hindi ako makasigaw
walang tunog na umaalingawngaw
walang salitang namumutawi
walang mabigkas aking labi

bakit hindi ako makiyak
walang luhang pumapatak
walang kasiyahang nadarama
kung hindi poot at pag-iisa

bakit hindi ako makalaban
walang lakas aking katawan
marahil wala akong karapatan
marahil wala ako sa katayuan

bakit wala kong makita
kahit anung dilat ng aking mata
kahit anung pilit aking gawin
madilim pa din ang aking tanawin

bakit wala akong maramdaman
hindi na ako masaktan
sa mga salitang matatalas
walang damadaming namamalas

bakit wala akong madinig
ni isang salita, galaw lang ng iyong bibig
marahil ako ay nagsawa
sa ingay na iyong gawa

november 3 2000

0 Comments:

Post a Comment

<< Home